Archive for the ‘Employment’ Category

Kabataan, Tuloy ang Ating Laban!

Saturday, June 23rd, 2007

Tayo, Kabataan
Raymond V. Palatino
Kabataan Party President

Speech delivered during the thanksgiving assembly of Kabataan Partylist, June 19, 2007, C.M. Recto Hall, Polytechnic University of the Philippines, Manila. Also posted in http://www.mongpalatino.motime.com/

Maalab na pagbati sa lahat, mga kasama sa Kabataan Partylist, mga kaibigang organisasyon at sa lahat ng mga nagtiwala at patuloy na nagtitiwala sa kakayanan ng kabataang Pilipino. Sa lahat ng naninindigan para sa pagbabago, sa inyong lahat na kinikilala bilang pag-asa ng ating bayan, magandang hapon po at mabuhay kayo.

Ginugunita natin sa araw na ito ang anibersaryo ng kapanganakan ng ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal. Ipinagdiriwang din natin ang ikaanim na anibersaryo ng pagkakatatag ng Kabataan Partylist. Noong 2001, ilang indibidwal lamang ang nagtipon at nagkaisa na buuin ang isang partido pulitikal ng mga kabataan na tuwirang lalahok sa pambansang eleksiyon. Ngayon, nais kong ibalita sa inyo na malayo, malawak at masaklaw na ang inaabot ng ating partido. Libu-libong kabataan ang miyembro natin mula Luzon hanggang Mindanao. Ang ating partido ang pinakamalakas na grupo ng mga kabataan sa kasalukuyan.

Ang araw na ito ay tinakda natin para magpasalamat sa lahat ng mga tumulong at sumuporta sa Kabataan Partylist noong nakaraang halalan. Tayo ay nagtitipon para balikan ang ating mga nagawa nitong taon, tukuyin ang ating mga tagumpay at magkaisa para sa mga hamong ating tutupdin sa mga susunod na araw.

Natutuwa akong makita muli ang ating mga organisador, mga lider mula sa iba’t ibang paaralan at mga masisipag na miyembro ng Kabataan Partylist.

Kapiling natin sa araw na ito ang mga tagapagtatag na organisasyon ng ating partido….

Ngayon naman po, hinihiling ko ang ilang sandaling katahimikan para sa mga kabataang martir na biktima ng terorismo ng estado.

Bigyan natin ng pagpupugay ang mga kabataang martir, tayo po ay pumalakpak at ipakita’t iparinig natin ang ating patuloy na paglaban para sa katarungan, katotohanan at karapatan.

Resulta ng halalan

Ayon sa datos ng Comelec, apat na COCs na lamang ang di nabibilang. Ang nakuhang boto ng Kabataan ay umabot sa 225,062 o 1.51 bahagdan ng boto para sa partylist. Ibig sabihin, hindi makakaupo sa Kongreso ang Kabataan Partylist.

Para sa marami, at maaaring para din sa iba sa inyo, ito ay nangangahulugan ng pagkabigo ng kabataan. Ito ay tumpak. Pero hindi dapat ganito kapayak ang ating husga sa ating nakamit noong nakaraang eleksiyon. Huwag natin ipagkamali na ang mga numerong ito ang susuma ng ginawa nating makabuluhang ambag sa lipunan. Hindi kayang maliitin ng mga numerong ito ang matagumpay na mensahe na pinaabot ng Kabataan Partylist sa buong bansa.

Malikhaing pangangampanya

Huwag nating kalimutan ang tatlong buwang pangangampanya ng kabataan. Marumi, marahas at mabangis ang halalan pero pinatunayan natin na pwedeng mangampanya nang hindi sasandig sa guns, goons, gold, garci and gloria. Kinatangian ng pagiging malikhain, tapat, malinis, makabuluhan at disente ang kampanyang nilunsad ng Kabataan Partylist.

Si Isko, ang ating maskot ay patok na patok sa masa. Pinagkaguluhan sa mga esluwelahan at komunidad si Isko. Mas sikat pa nga siya kaysa sa amin na mga nominado.

Ang ating makulay na Kabataan Bus ay nalibot ang kalakhan ng Luzon, lalo na dito sa Metro Manila. Ito ay tinampok din sa isang TV show sa Singapore. Kahit laging nasisira, at kailangang itulak para umandar, at palaging nawawalan ng gas dahil wala tayong pera, sinuyod ng Kabataan Bus ang napakaraming lugar para itanghal ang mensahe ng kabataang Pilipino para sa pagbabago.

Sa ating mga road trip at motorcade, nagtulung-tulong ang mga kabataan para mailarga ang pangangampanya sa mga komunidad. Gumamit tayo ng jeep, tricycle, pedicab, motorsiklo at mga hiniram na mini-truck.

Nagsagawa tayo ng mga masasayang konsiyerto na dinaluhan ng maraming kabataan. Tumugtog ang mga miyembro natin pati mga kaibigang lokal na banda. May sumayaw, kumanta, tumula at mayroon ding nagwala. Nagfashion show tayo para higit na patunayan ang ating malikhaing diwa.

Tinipon natin ang mga kabataan. Nagforum sa mga eskuwelahan, Nagkonsultahang kabataan sa mga komunidad. Nag house to house, org to org, bus to bus, mall to mall, bar to bar, market to market. Higit sa lahat, nakipamuhay tayo sa masa.

Gumawa tayo ng mga awitin at jingle. Bawat rehiyon ay may kanya-kanyang pinasikat na slogan at jingle. Kahit ang mga kababayan nating Fim-Am ay lumikha ng awitin para sa Kabataan Partylist. Pwede na nga tayo maglunsad ng sarili nating album sa dami ng mga magagandang kantang ating nalikha dahil sa eleksiyon.

Napakaraming tsapter natin ang nagdisenyo ng mga T-shirt, button pins, mural at poster.

Gumawa ng mga video teaser ang mga taga suporta ng Kabataan Partylist at ito ay nilagay sa internet. Salamat sa Sipat para sa mga video ad natin. Namalas ng buong mundo ang angking kakayanan at pagkamalikhain ng kabataang Pilipino. Ginamit natin ang internet upang makatipid at maabot ang mas maraming kabataan. Kapuri-puri ang ating cybercampaign. Naging paksa tayo sa you tube, friendster, multiply, mga blog, e-forum, chat. Pinakita natin kung paano mamamaksima at magiging epektibo ang pangangampanya sa pamamagitan ng internet. Nagpakalat tayo ng mga ringtone, wallpaper at text brigade gamit ang ating mga cellphone.

Kahanga-hanga ang sipag, diskarte at determinasyon ng ating mga kampanyador. Kung ang mga pulitiko ay nagbabayad para may magdikit ng kanilang mga poster, tayo wala. Bukod sa wala tayong pambayad, ang mga miyembro natin ay kikilos, at sila nga ay kumilos kahit walang bayad. Limitado ang ating mga poster, kulang ang mga streamer at tarpaulin. Buti na lamang maparaan ang ating mga miyembro. Sinuyod ang mga matataong lugar, nagdikit ng mga campaign material sa mga stratehikong gusali.

Dahil kulang ang poster at leaflet, naghanap tayo ng ibang materyales. Gumamit ng sako, lumang tarpaulin, katya, dyaryo, uling, kalendaryo. Wala tayong stiker pero hindi tayo naubusan ng mga pin na gawa ng ating mga miyembro.

Kapos ang ating pondo. Kulang na kulang ang rekurso. Wala tayong mga sasakyan. Sa isang banda, ito ay totoong problema at nakalimita sa ating kampanya. Naputulan ang pambansang opisina ng telepono, tubig at madalas kakaunti ang pagkain ng ating mga miyembro. Mas marami sana tayong lugar na maaabot, mas maraming poster na madidikit, mas maraming brochure na maipamimigay kung sapat ang ating pera. Kaso tayo ay totoong marginalized partylist kaya isang naging pabigat sa kampanya ang kawalan ng pinansiya.

Gayunman, hindi ito naging hadlang para makapaglunsad tayo ng pambansang kampanya. Oo, tayo ay mahirap lamang, pero mayaman tayo sa talino, galing, sipag at giting. Binawi natin ang kawalan ng pondo sa pagsandig sa pagiging bibo at malikhain ng mga kabataan. Lumabas ang angking talento ng ating mga miyembro para makapagkampanya. Wala tayong binatong kendi o kalendaryo sa mga tao; programa, prinsipyo at pag-asa ang ating binahagi sa masa. Hindi ba’t ito’y tagumpay ng Kabataan Partylist?

Pambansang pangangampanya

Malakas ang ating organisasyon. Pinanday ng pakikibaka ang ating makinarya. Napatunayan natin sa eleksiyon na kaya nating maglunsad ng isang disenteng pambansang kampanya. Naging maayos ang koordinasyon sa mga tsapter sa buong bansa. Mayroon tayong miyembro sa bawat probinsiya, malalaking eskuwelahan at kahit sa mga malalayong sulok ng kanayunan.

Sa Metro Manila, aabot ng 40,000 ang ating miyembrong narekluta nitong nakaraang tatlong buwan. Karamihan ng mga bagong miyembro ay hindi lalagpas ng 20 anyos. Sa katunayan, marami tayong kasapi na hindi pa tumutuntong sa labingwalong taong gulang. Kami na ni Lengua ang pinakamatanda sa Kabataan Partylist. Gusto kong bigyan ito ng diin. Mahigit nobenta ang bilang ng mga grupong lumahok sa sistemang partylist. Natatangi ang Kabataan Partylist dahil ito ang nag-iisang partido na binuo ng mga kabataan, pinamumunuan ng mga kabataan at para sa interes ng kabataan.

Masisigla at punung-puno ng ideyalismo ang ating mga miyembro. Ito ang ating pangunahing lakas at sandigan para sa mga susunod na laban. Oo, kakambal ng kasigasigan ng kabataan ay mga kahinaang sinisisi sa mga bata. Mapusok, laging nahuhuli, kakaunting inisyatiba, sabog na pagkilos, kawalan ng karanasan. Pero tayo ay mga bata at nasa atin ang panahon para ituwid ang mga natukoy na mali. Tayo ay tatanda nang mas matalino at mas handang humarap sa mga pagsubok na hahadlang sa ating daan. Ang mga miyembro natin ay maagang pinanday sa labanang elektoral. Maaga nating natutunan ang mga pasikot-sikot ng sistemang pulitikal sa bansa. Sa hinaharap, hindi lamang magiging madali, kundi magiging eksperto pa ang ating mga miyembro kung paano magpatakbo ng isang organisasyon na lumalahok sa isang pambansang eleksiyon.

Nagawa nating itambol sa buong bansa ang mensahe ng pagbabago at makatwirang hangad ng kabataan para sa mas magandang kinabukasan. Naging bukambibig ng maraming grupo na kailangang makialam, magtanong, mangahas, sumuway at makisangkot ang kabataan. Nakuha natin ang suporta ng maraming kabataan, mayaman man o mahirap, may pinag-aralam man o wala. Sumuporta ang maraming miyembro ng SK at mga batang pulitiko. Kahit ang mga artista ay inendorso ang kabataan. Sa maikling panahon, nagawa nating ipaalam sa madla na may grupo ng mga makabayang kabataan na nais ang makabuluhang pagbabago sa lipunan.

Habang ang iba ay nagkakasya na lamang sa pagmamaliit sa inisyatiba ng kabataan, tayo ay kumilos at naghain ng kongkretong alternatibo sa publiko. Patuloy na hinahanap ang papel ng kabataan sa lipunan, pero ang Kabataan Partylist may pinatunayan ng makabuluhang rekord ng pakikisangkot sa usaping pampulitika sa bansa.

Ipinagmamalaki natin na tayo ay nahahanay sa mga progresibong partylist tulad ng Bayan Muna, Anakpawis, Suara Bangsamoro at Gabriela. Ang tagumpay nila ay tagumpay din ng Kabataan Partylist. Tumaas ang tiwala ng publiko sa atin dahil kasama natin sa lansangan at pana-panahon sa pangangampanya ang mga grupong ito. Pareho nating pinaglalaban ang karapatang pantao. Pareho nating sinisigaw na itigil ang panunupil sa mga progresibong grupo sa lipunan.

Isyu ng kabataan

Sa maraming eskuwelahan, nanguna ang Kabataan Partylist sa mga pre-election survey. Hindi ito nakapagtataka dahil tuluy-tuloy ang pagbabandila ng Kabataan Partylist sa mga isyung malapit sa puso ng mga estudyante. Pangunahin sa adyeda ng Kabataan ang reporma sa sektor ng edukasyon. Tinukoy natin ang pagbagsak ng badyet para sa mga pampublikong paaralan at komersyalisasyon ng edukasyon bilang pangunahing salik sa pagbulusok ng kalidad ng karunungan sa bansa.

Sa ating mga asembliya, pinaliwanag natin sa publiko na manalo o matalo sa halalan ay isusulong natin ang ating plataporma. Lalabanan natin ang pagtaas ng matrikula. Ikakampanya natin ang mas mataas na pondo para sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan. Ihahapag natin ang pagkilala at proteksiyon sa karapatan ng mga estudyante.

Nitong nakaraang tatlong buwan, nakalap natin ang iba’t ibang suliranin ng mga kabataan. Pinakinggan natin ang daing ng mga kabataan para sa ganap na pagbabago sa bansa. Bulok na edukasyon, kawalan ng trabaho, korupsiyon sa pamahalaan, pagkasira ng kalikasan, iba’t ibang tipo ng diskriminasyon at humihinang pag-asa na bubuti pa ang kalagayan sa bansa. Mababa o halos wala ng natitirang tiwala ang maraming kabataan sa namumuno sa pamahalaan. Marami ang namumuhi sa pulitika kaya ayaw nilang makialam sa nangyayari sa lipunan. Bagamat hindi natin sila sinisisi, isa pa rin itong nakakalungkot na trahedya.

Karahasan at pandaraya

Bago pa man nagsimula ang kampanya ay todo bigay na ang pananabotahe ng militar sa mga progresibong partylist. Kabilang ang ating partido sa mga malisyosong inakusahan ng militar bilang legal front diumano ng Communist Party. Ibig sabihin, naging lehitimong target na ang ating mga miyembro ng mga sundalong may panatikong galit sa mga tumutuligsa sa pamahalaan.

Umikot ng paaralan ang mga sundalo upang magpakalat ng kasinungalingan at takutin ang mga estudyante na huwag sumali sa ating organisasyon. Ngayon balak nilang magtayo ng mga opisina sa loob mismo ng mga kampus.

Nagtayo ng munting barracks ang mga sundalo sa maraming barangay sa Metro Manila. Community service daw ang pakay pero hinuhuli ang mga aktibista. Tinatakot ang mga magulang ng ating mga miyembro. Sinisiraan ang mga progresibong partylist.

Takot ang Estado, takot ang militar sa popularidad ng mga grupong kontra-Arroyo. Ginawa nila ang lahat upang mabigo ang ating kandidatura. Naging kasangkapan ang militar upang dayain ang resulta ng halalan at gipitin ang mga lumalaban. Wala silang kinikilalang batas o paggalang man lang sa ating mga karapatan. Dalawa sa ating pollwatcher sa Camarines Norte ang walang awang dinukot at pinaslang ng mga sundalo. Ang krimen na ito ay dapat maitala bilang malinaw na halimbawa ng terorismo ng estado. Paano makukumbinsi ang maraming kabataan na lumahok sa halalan kung baril at bala ang isusukli ng pamahalaan?

Ang isa pang manipulasyon ng pamahalaan upang biguin ang mga progresibong partylist ay ang pagpapatakbo ng mga bogus na partylist. Maraming grupo ang binuo at pinondohan ng pamahalaan, na galing sa buwis na binabayad natin, upang guluhin ang halalang partylist. Kahit ang ilan sa kanila ay walang intensiyong manalo, lumalabas na ang kanilang naging papel ay lituhin ang botante at pataasin ang minimum na boto na kailangan para manalo ang isang partylist.

Kapansin-pansin din ang pagsulpot ng mga partylist na sinusuportahan ng mga tradisyunal na pulitiko, warlord at malalaking negosyante. Kahit ang mga may-ari ng mga eskuwelahan at iba’t ibang grupong relihiyoso ay nagtayo ng mga partylist. Sa 2010, inaasahan na dadami pa ang mga bogus na partylist na susuportahan ng mga political dynasty. Tuluyan ng mabibigo ang dakilang layunin ng partylist na bigyang tinig ang maliliit na grupo sa lipunan.

Malawak ang makinarya ng pandaraya ng pamahalaan. Marami tayong naitalang kaso ng dagdag-bawas at dagdag-dagdag. May mga natipon tayong mga dokumento sa ilang mga munisipyo na siyang naging batayan ng ating pagsasampa ng kaso sa maraming opisyal ng Comelec. Dahil sa pagiging sopistikado ng dayaan, mahirap ng matukoy kung anong mga dokumento ang totoo o pawang dinoktor lamang. Paano kaya sa mga lugar na wala tayong pollwatcher? Paano kung ang dayaan ay nangyari sa presinto pa lamang?

Itutuloy at babantayan natin ang mga kasong sinampa natin. Dapat mag-iwan ito ng aral sa sinumang yuyurak sa halalan bilang isang demokratikong proseso. Sa totoo lang, lubhang nakakagalit ang pandarayang nasaksihan natin. Kayod marino ang estilo ng ating pangangampanya samantalang may mga pekeng partylist na umaasa lamang sa panunuhol ng mga opisyal ng Comelec. Hirap na hirap tayong magpasulpot ng pondo pero may mga partylist pala na kumukuha ng pinansiya sa Malakanyang. Masigasig ang ating pagpapaliwanag sa publiko ng ating programa pero may mga partylist pala na tuwirang nakasalalay sa makinarya ng mga political dynasty.

Taas noo

Sa kabila ng pandaraya at karahasan, nakakuha pa rin ang Kabataan Partylist ng disenteng boto. Sa katunayan, nasa top 20 ang ating grupo mula sa mahigit nobentang partylist na lumahok sa halalan. Hindi nakakahiya ang botong nabilang sa atin. Haharap tayo sa publiko nang walang kahihiyan dahil patas at tapat tayong lumaban. Hindi natin binastos ang demokrasya. Bawat boto na nakuha natin ay isang botong malinis na kinampanya ng bawat isa sa atin. May mga natanggap tayong alok upang pataasin ang ating boto sa ilegal na paraan. Ito’y hindi natin tinanggap. Hindi totoo na lahat ng kandidato ay nandaraya. Ibahin ninyo ang Kabataan Partylist.

Bilang nominee

Bago ako tumungo sa huling bahagi ng aking talumpati, nais kong magpasalamat sa tiwalang pinagkaloob ninyo upang ako ay maging isa sa mga nominado ng Kabataan Partylist. Nagkaroon ako ng bibihirang pagkakataon na maging kinatawan ng isang grupo ng mga makabayan at ideyalistang kabataan. Isang karangalan ang maging tagapagsalita ninyong lahat. Buong puso kong binahagi sa ating mga kababayan kung ano ang ating munting minimithi para sa ating lipunan. Marami akong nakilala at nakasalamuha. Marami akong masasayang kuwento. Marami din akong nakakatuwang kuwento. Lagi kong babalik-babalikan ang yugtong ito ng aking buhay kung saan minsan akong naging lider ng Kabataan Partylist.

Nalibot ko ang Pilipinas at nasaksihan ko ang kagandahan ng ating mga tanawain, natatanging likas-yaman at kabutihan ng maraming Pilipino. Mayaman ang ating lupain, malaki ang potensiyal para umunlad, pero tayo ay naghihirap. Nalungkot ako sa aking paglalakbay dahil nakita ko ang mukha ng kahirapan. Sa bawat lugar na pinuntahan ko ay may namamalimos sa akin. Sinanay ang marami nating mga kababayan na umasa sa mumong pinagkakaloob ng mga pulitiko. Ganyan kalala ang kahirapan, kahit partylist nominee na walang pera, hinihingian ng limos.

May dahilan kung bakit hindi mawala ang kahirapan. Bulok kasi ang ating pulitika. Maraming pulitikong pulpol. Pero higit na marami ang matalinong magnanakaw. Ito ang dahilan kung bakit nasusuka ang marami nating kababayan sa mga tradisyunal na pulitiko.

Aral at hamon

Mga kasama, ano ang natutunan natin sa nagdaang eleksiyon? Ano ang hamon para sa ating lahat?

Tinuruan tayo ng eleksiyong ito kung gaano kadumi, karahas at kabulok ang sistema ng pulitika ng ating bansa. Ito ba ang pinagmamalaki nilang uri ng demokrasya? Nagpapatayan ang mga kandidato. Sinusunog ang mga guro. Nandaraya ang nasa kapangyarihan. Mayayaman ang nagwawagi. Nakikialam ang sundalo. Sinusupil ang mga progresibo.

Pinapatunayan ng eleksiyong ito na hindi sasapat ang pagboto upang magkaroon ng pagbabago. Kailangan ng tuluy-tuloy na kolektibong aksiyon. Kailangan ng mapangahas na sama-samang pagkilos. Tama, kailangan pa rin ang rebolusyon. Rebolusyon ng mga ideya. Rebolusyon ng mga gawi. Rebolusyon ng mga puso. At oo, yung rebolusyong iniisip ninyo na hindi ko pwedeng bigkasin.

Kung mayroon tayong nareklutang 40,000 kasapian dito sa Metro Manila, doblehin natin, triplehan natin ang ating mga tsapter. Isulong ang konsolidasyon ng mga balangay. Palakasin pa ang kakayanan ng Kabataan Partylist na umabot pa sa mas maraming paaralan at komunidad.

Patuloy na itaguyod ang interes ng kabataan at mamamayang Pilipino. Nagtaas ng matrikula sa mga pampublikong pamantasan. Kulang-kulang pa rin ang pasilidad sa mga eskuwehan. Kumakamal ng limpak-limpak na tubo ang mga kapitalista-edukador. Ang presyo ng langis ay di na maabot ng mga motorista. Ginigiba ang bahay ng mga mahihirap. Ilang linggo na lamang at ipapatupad na ang anti-terrorism law.

Kung ako ay pulitiko, ang sasabihin ko sa inyo ay maghanda para sa halalang 2010. Pero hindi tayo grupo ng mga tradiyunal na pulitiko. Bakit kailangang hintayin pa ang 2010 samantalang napakaraming usapin na kailangan ng kagyat na aksiyon. Sabi ni Recto: Honey, I’m home. Sabi ni Loi: Erap, here I come. Ang sasabihin ko ngayon: Mga kasama, hinihintay tayo ng masa. Lubusin natin ang lakas ng kabataan sa pamamagitan ng pagsanib ng ating lakas sa pwersa ng ibang nakakaraming sektor sa lipunan tulad ng manggagawa’t magsasaka.

Ang araw na ito ay hindi lamang araw ng pasasalamat kundi isang pagmamarka din ng ating kahandaan na patuloy na kumilos para sa pagbabago. Kung tuloy ang laban, tiyak na tuloy na mabubuhay ang kabuluhan ng Kabataan Partylist.

Ang aking huling punto: tayo ay mga kabataang hindi lamang nangarap ng matiwasay na buhay, maaliwalas na komunidad at mapayapang kinabukasan. Tayo ay mga kabataang nangarap, nagtanong, sumuway, nakialam, nakisangkot at kumilos upang matupad ang ating mga minimithi.

Mabuhay ang Kabataan Partylist! Magandang hapon po sa inyong lahat.

RP has enough teachers, but…

Wednesday, June 6th, 2007

Poor training, Low Salary Keep Education Grads from Teaching

The country has enough of Teacher Education graduates to plug the growing teacher-student gap but many of them fail to pass the licensure exam due to raw training and more opt to go abroad – or stay in the country – to work as housemaids.

“Every school year, more than 400,000 college hopefuls aspire to become teachers. Practically almost all tertiary or college level institutions in the country offer a degree in Teacher Education. Yet the country lacks roughly some 50,000 teachers,” Kabataan Party Vice President Carl Marc Ramota said.

“Only a fraction among the thousands who flock to Teacher Education are able to attain their dream profession. Specifically, only a little more than 100,000 education students reach the fourth year,” he said, citing the data from the Professional Regulation Commission.

“And of the more than 100,000 who graduate, only a few pass the licensure exams,” Ramota said, citing the poor performance of Education graduates in the 2006 Licensure Examinations for Teachers.

Only 17,377 out of 59,457 or a measly 29.23 percent of the examinees passed the exams for elementary education while 32.44 percent or 17,290 out of 53,303 examinees passed the test for secondary education in the August 2006 Licensure Examinations for Teachers (LET).

“The poor performance of our graduates in professional examinations is only reflective of the dismal state of our education system,” Ramota pointed out.

“Many Teacher Education institutions are producing half-baked graduates who add up to the bulk of LET non-passers and unemployed or underemployed teachers,” he said.

“Even these schools are now being turned into mere for-profit diploma mills rather than as training ground for future mentors.”

Ramota said many of those who manage to pass the LET eventually abandon their profession in favor of jobs that are available here or abroad.

“Sadly, of the current crop of teachers, the best and the brightest are now teaching abroad. Many of them are also leaving to work as domestics in other countries,” he added.

“The employment crisis, low salary and unrealistic professional regulation policies continue to plague the education profession.”
Since 2001, the salaries of government employees, which include teachers, have been frozen. The last salary increases were given in 2000, a 10 percent increase (P440) and five percent in 2001 (P242).

A teacher’s starting salary is only P9,939 a month, a little higher than the minimum wage in Metro Manila. Independent think-tank Ibon Foundation pegged the monthly cost of living in the National Capital Region at P20,454.61 or a difference of P10,515.61.

“We can’t blame our teachers for leaving the country or for working as housemaids. Whatever salary they receive does not correspond to their load of work,” he said.

A study released by the International Labor Organization (ILO) and the United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) also show that teachers in the Philippines work an average of 1,176 hours per year and teach classes of over 50 students.

Ramota warned the country will see more classrooms with no teachers in the next years if the government and the Education department fail to arrest this alarming trend.

He feared that the problem in the shortage of teachers and poor performance in LET may lead to further decline in educational standards.

All of these, he said, send a distressing signal to the education sector. “We could only imagine what kind of students we are producing if their teachers are not adequately equipped with the appropriate skills.”

On Labor Day: Kabataan Partylist hits gov’t failure to solve unemployment problem

Tuesday, May 1st, 2007

Gov’t job programs promote underemployment

Various youth and student groups led by Kabataan Partylist joined the Labor Day protest in Liwasang Bonifacio today to criticize the government’s failure to provide adequate jobs for new college graduates and solve the growing unemployment and underemployment problem in the country.

Kabataan Partylist President Raymond Palatino blamed the government’s economic policies and labor programs for the insufficiency of job opportunities in the country, saying that graduates nowadays are only left with three choices – either to go abroad, accept jobs which do not match their degrees or become idle.

“Every year, fresh college graduates are confronted with the same problem of job scarcity, but our government’s response has always been for the former to look for greener pastures abroad or accept its job offerings which largely fall short of any acceptable standard or measure for anyone who finished tertiary education.”

“The sad reality is, after paying large sum of money for college education, the few who manage to finish higher education are forced to any kind of job or work as caregiver or domestic helpers abroad just to earn money,” Palatino pointed out.

Palatino added that the government’s own job programs are contributing to the increasing jobs-graduates mismatch and underemployment in the country.

“The government wants to create an illusion that it is solving the unemployment problem, yet the nature of jobs that it is offering our graduates, which mostly are call center or tourism jobs, do not match their undergraduate degrees. Besides, these jobs are unsustainable for graduates who want to have a permanent career.”

He cited a study conducted by the Department of Trade and Industry which shows that Filipino call center workers stay an average of 2.5 years on the job, compared with about eight to nine months for Americans, which is also on a part-time basis. Filipino call center agents only receive a fifth of their American counterparts’ salaries.

“Even call centers confess that while there seems to be a large pool of English-speaking college graduates being churned out by Philippine schools, only a few qualify. Out of 100 applicants in a call center firm, for instance, only 5 to 10 are hired.”

“If the Arroyo government is really sincere in its promise of generating six to 10 million jobs by 2010, it should address the problem of unemployment and underemployment with concrete and long-term plans and not with knee-jerk solutions,” Palatino said. ###

PDI: KABATAAN Southern Tagalog Roadtrip

Monday, April 2nd, 2007

ST roadtrip

Pictures and more here.

A photo of this event landed in the Regions page of the Philippine Daily Inquirer today.

Only four of 10 new graduates will land a job this year, says youth partylist

Saturday, March 17th, 2007

Joblessness awaits Batch 2007

The Kabataan Partylist today disproved government claims of an increase in employment rate, saying it’s nothing but a media stunt intended to conceal the anticipated rise in the unemployment rate this month with the entry of new graduates in the workforce.

Contrary to government claims, Kabataan Partylist President and 1st nominee Raymond Palatino said only a few of the more than 400,000 students who will graduate this month and on April will land a job within the next two years.

“Only four of every 10 graduates will land a job within the year of their graduation. Many of those able to get a job will be in call centers or work abroad,” he added. (more…)